-- Advertisements --

moderna

Nasa 11,400 doses ng Moderna vaccine ang natanggap ng Philippine National Police (PNP) mula sa Department of Healt (DOH) bilang bahagi sa nagpapatuloy na vaccination program ng Pambansang Pulisya.

Ayon kay PNP The Deputy Chief for Administration (TDCA) at Administrative Support for Covid-19 Task Force Commander Lt. Gen. Joselito Vera Cruz, nasa 1,140 vials ng Moderna vaccines ang kanilang natanggap na siyang gagamitin para sa pagbabakuna sa nasa 5,700 police personnel sa NCR Plus kabilang ang Camp Crame.

moderna2 1

“Yes Anne. 1,140 vials Moderna Vaccines (x10 per vial, total 11,400 doses) Distribution is still for NCR plus personnel including Camp Crame. Good for 5,700 personnel at 2 dose each,” mensahe na ipinadala ni Vera Cruz sa Bombo Radyo.

Kamakailan lamang nakatanggap ang PNP ng nasa 9,900 Sputnik V Vaccine allocation.

Dahil sa sunud-sunod na pagdating ng vaccine allocation ng PNP, iniulat ni Lt. Gen. Vera Cruz na nasa 45,402 o 20.72 % police personnel na ngayon ang fully vaccinated nationwide as of August 1,2021, ito ay batay sa datos na inilabas ng PNP ASCOTF mula sa PNP Health Service.

Nasa 49,005 o 22.36% naman ang nabakunahan ng first dose, habang nasa 124,767 o 56.93% sa kabuuang pwersa ng PNP ang hindi pa nababakunahan.

Sa vaccination monitoring naman ng PNP, sinabi ng Heneral na nasa 170,506 o 77.79% sa mga kapulisan ang gustong magpabakuna; 33,471 naman ay may brand option habang nasa 14,391 o nasa 6.57% ang ayaw magpa bakuna.

Sinabi ni Vera Cruz, patuloy na tumataas ang bilang ng mga pulis na nahikayat magpa bakuna.

Naniniwala ang Heneral na dahil sa “stern reminder” na kaniyang inilabas at ang banta ng Delta variant dahilan para nagbago ang isip ng ibang pulis at nagpa bakuna na rin.