-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Walang takas ang abot sa 117 na mga motorsiklo na nahuli matapos ikasa ang Anti-Criminality cum Oplan Sita sa bayan ng Kabacan Cotabato sa pangunguna ni Kabacan Chief of Police LtCol John Miridel Calinga.
Batay sa datos, mula sa bilang ng nahuli, 72 dito ay hinuli dahil sa bora-bora habang 45 ay nakitaan ng paglabag tulad ng walang plate number, expired OR/CR, walang maipakitang lisensya at iba pa.

Lubos naman ang pasasalamat ni Kabacan Mayor Evangeline Pascua-Guzman sa inisyatibo ng hanay ng kapulisan na aniya ay makakatulong ang ganitong aktibidad upang maisaayos ang batas trapiko at makita ang mga iligal na gawain.