Humaharap ngayon ang kabuuang bilang na 117 pinoy mula sa Makati City Office sa mga kasong may kaugnayan sa Data Privacy Act matapos ma-raid ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ang mismong opisina nito.
Ayon sa PAOCC, napagalaman umano ng mga otoridad na nagsisilbi umanong hub para sa mga napakaraming lending application services ang opisina na nangha-ha-harass umano ng mga umuutang dito.
Sa loob ng 131 na mga manggagawa na nasa ilalim ng kustodiya ng PAOCC, 14 ang pumayag na maging testigo sa korte at maging witness ng mga nagiging transakyon sa loob ng hub.
Dahil dito, ang 14 na mga manggagawa ay mapapawalang bisa sa mga kinakaharap na kaso nito habang ang natitira naman ay haharap sa piskalya upang malaman kung magkakaroon ba ng pananagutan ang ito o wala.
Samantala, mananatili na muna sa kustodiya ang mga nahuli at sasampahan ng mga kaukulang kaso habang patuloy naman ang PAOCC at National Bureau of Investigation (NBI) sa imbestigasyon para sa mga posibleng koneksyon nito sa Philippine Offshore Gaming Operations (POGO).