-- Advertisements --

Kakasuhan ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ang nasa 117 naaresto matapos i-raid ang ilang lending company sa Makati City.

Naiulat umano sa PAOCC ang mapang-abusong pamamaraan ng pangongolekta ng mga lending company sa kanilang mga pinautang.

Kabilang na ang pangha-harass paggamit ng contact list ng may pagkakautang at iba pa.

Nagpapataw din umano ng hidden fees ang mga ito na hindi ipinaliliwanag sa mga kliyente.

Katuwang ng PAOCC sa operasyon at imbestigasyon ang ng National Bureau of Investigation (NBI) at Securities and Exchange Commission (SEC).