-- Advertisements --
Senator Angara 1

Sa ikatlong sunod na taon, ang 117 state universities and colleges (SUCs) ng bansa ay nakatanggap ng karagdagang badyet upang suportahan ang ang mga pangangailangan upang magbigay ng quality public education sa mga tertiary students sa bansa.

Inihayag ni Snator Sonny Angara, bilang Chairman ng Committee on Finance, na ang kabuuang budget para sa state universities and colleges ngayong taon ay umaabot sa P107 bilyon, na kumakatawan sa P13.7 bilyong pagtaas mula sa P93.3 bilyon na orihinal na isinumite ng malacañang sa ilalim ng 2023 national expenditure program.

Ang pagtaas sa mga badyet ng state universities and colleges ay mapupunta sa pananaliksik, innovation at futures thinking at strategic foresight programs kung saan ang bawat paaralan ay bibigyan ng hindi bababa sa P5 milyon.

Gagamitin din ito para tustusan ang mga pagtaas sa kapasidad ng mga state universities and colleges na may mga kolehiyo ng medisina at nursing, gayundin ang iba pang allied health programs.

Sa panahon ng panunungkulan ni Angara bilang Chairman ng Finance Committee, ang taunang badyet para sa SUCs ay tumaas mula P73.7 bilyon noong 2020 hanggang P85.9 bilyon noong 2021 at P104.17 bilyon noong 2022.

Sinusuportahan din ng 2023 gaa ang pagpapatupad ng Republic Act 10931 o ang Universal Access to Quality Tertiary Education (UAQTE) na batas.

Sa ilalim ng Commission on Higher Education (CHED), mayroong kabuuang P27.1 bilyon para sa Universal Access to Quality Tertiary Education, na kinabibilangan ng P1.6 bilyon para sa tulong dunong program.

Para sa SUCs, kabuuang P18.8 bilyon ang inilaan para sa Universal Access to Quality Tertiary Education, habang ang Technical Education and Skills Development Authority ay nakatanggap ng P3.4 bilyon.