Pasado alas-10:00 nitong umaga nang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang C-130 cargo plane ng Amerika mula sa Okinawa, Japan dala ang tatlong makasaysayang kampana.
Ang US air force plane ay una nang dumating kahapon sa Japan para sa stop over.
Mula sa NAIA ang sinakyang military plane ay umusad hanggang sa Villamor Air Base kung saan doon naman nag-aantay ang maikling programa para sa pormal na handover. Â
Sinasabing mananatili muna pansamantala ang mga Balangiga bells sa PAF Museum habang ihahatid ito sa Biyernes patungong Tacloban City batay sa inisyal na iskedyul.
Sa Sabado naman ay ihahatid na ito sa Eastern Samar sa kanyang huling destinasyon kung saan personal namang dadalo ang Pangulong Rodrigo Duterte para sa turnover.
Samantala sa handover ceremony sa Villamor Air Base nanguna sa panig ng Pilipinas sina Executive Secretary Salvador Medialdea at Defense Secretary Delfin Lorenzana habang si US Ambassador to the Philippines Sung Yong Kim sa kabilang panig.
Una rito, dalawa sa mga kampana ay nanggaling sa F. E. Warren Air Force Base, Cheyenne, Wyoming, habang ang isa ay nagmula pa sa Camp Red Cloud sa South Korea.
Ang Balanggiga bells ay kinuha ng mga Amerikano bilang “war trophy†pagkatapos ng tinaguriang “Balangiga Massacre†sa Samar noong September 1901.
Batay sa kasaysayan, nagsilbing hudyat ang pagtunog ng kampana sa pagsalakay ng mga nag-aaklas na mga Pilipino laban sa tropa ng mga Amerikano na nagkataong nag-aalmusal.
Dala lamang ang mga itak o bolo, umabot sa 45 mga US soldiers ang napatay at 25 naman ang sugatan, habang lima ang nakaligtas mula sa 75 miyembro ng Company C ng US Army.
Sa kabilang dako, naniniwala ang isang historian na hudyat umano sa pagsasara ng masalimuot na pahina ng kasaysayan sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos ang pagbabalik sa bansa ng mga Balangiga bells.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay UST Department of History chairperson Prof. Augusto de Viana, sinabi nito na pagkakataon na rin ito para pagbutihin pa lalo ang relasyon ng dalawang bansa.
Para kay De Viana na hindi pa rin umano dapat makalimutan ng mga Pilipino ang yugtong ito dahil sa napakarami sa ating mga ninuno ang nagbuwis ng buhay para sa bayan noong panahon ng Philippine-American War.
“Tingin ko ito na rin ang closure pero sa ating mga Pilipino, dapat hindi natin makalimutan ‘yung ganoong bahagi ng kasaysayan kung saan mahigit 600,000 Pilipino ang napatay noong digmaan,†wika ni de Viana.
“Isang oportunidad na rin ito para i-improve ‘yung Philippine-American relations na medyo humina kasi mayroon tayong pivot towards ibang powers, kamukha ng Russia at China.â€