-- Advertisements --

MANILA – Kinumpirma ng isang opisyal mula sa World Health Organization (WHO) na makakatanggap na ang Pilipinas ng COVID-19 vaccine ngayong buwan mula sa COVAX Facility.

“We had an update from the COVAX Facility over the weekend. They will deliver approximately 117,000 doses within the second or third week of February. This will be Pfizer-BioNTech vaccines,” ani Dr. Rabindra Abeyasinghe, WHO country representative.

Ang COVAX Facility ay isang inisyatibo sa pagitan ng WHO, at international organizations na GAVI at CEPI. Layunin nilang mamahagi ng coronavirus vaccine sa 20% ng populasyon ng mga sumaling bansa.

Ayon kay Dr. Abeyasinghe, posible ring makatanggap ang Pilipinas ng bakuna mula sa kompanyang AstraZeneca sa unang linggo ng Marso.

“The Philippines will be able to access if the producers can maintain the targeted manufacturing capacities something between 5.5 to 9.2-million AstraZeneca vaccines manufactured in South Korea.”

“If WHO EUL is granted for the (AstraZeneca) vaccine, which we expect to happen within the next two to three weeks, we are potentially looking at some quantity of those vaccines also reaching the Philippines.”

Paliwanag ng WHO official, dapat kasali sa emergency use listing (EUL) ng institusyon ang isang bakuna bago matanggap ng bansa.

Sa ngayon kasi ang COVID-19 vaccine pa lang ng Pfizer-BioNTech ang may EUL mula sa WHO. Bukod dito, dapat ding may emergency use authorization (EUA) mula sa tatanggap na bansa ang bakuna.

Ang coronavirus vaccines ng Pfizer at AstraZeneca pa lang ang nabibigyan ng EUA sa Pilipinas.

“There is also a requirement recognizing these vaccines are emergency use agreement vaccines; the manufacturers are asking for indemnity and liability agreements with them.”

“There’s also requirements that recepients signed agreement that they are aware of the issues; and also the import license need to be granted so that the vaccines can be shipped here.”

Bukod sa bakuna ng dalawang kompanya, may piniramahang kasunduan na rin daw sa COVAX ang Moderna ng Amerika.

Inaaral na rin ng pasilidad ang mga dokumento ng Sinovac ng China, na nais sumali sa inisyatibo.

Kamakailan nang ianunsyo ng COVAX na 15% na lang mga populasyon ng member countries ang mabibigyan nila ng libreng bakuna.

Pero ayon sa Department of Health, posible pa ring mabuo ang 20% allocation dahil sa alok na mekanismo ng pasilidad.

“COVAX offered if you would want to use their mechanism to procure additional on top of this 20% na initially allocated sa atin, because they can get lower prices. So pwede tayo mag-apply uli and we will be using our funds already,” ani Health Usec. Maria Rosario Vergeire.

Nitong Linggo sinabi ni Vaccine czar Carlito Galvez na makakatanggap ng 5.6-million doses ng bakuna ang bansa sa unang quarter ng 2021, sa ilalim ng COVAX Facility.