-- Advertisements --
Aabot sa 118 na mga Chinese mobile apps ang ipinagbawal ng gobyerno ng India.
Ang nasabing hakbang ay dahil sa patuloy na pagtaas ng tensiyon sa dalawang bansa.
Ilan sa mga pinagbawalan ay mga galing sa Tencent products gaya ng PUBG at WeChat Work.
Una ng pinagbawalan ng gobyerno ng India ang 59 na sikat na apps gaya ng TikTok dahil sa national security concern.
Ayon sa IT Ministry, na mayroon silang nakuhang impormasyon na ang nasabing mga bilang ng apps ay labag sa interest ng India.
Naganap ang pag-ban sa nagaganap na tensyon sa pinag-aagawang Himalayan border.