-- Advertisements --

Nasa ika-pito na pinakamaraming mga nasawi sa Pilipinas ang daily tally na inilabas ng Department of Health (DOH).

Ito ay matapos na umabot sa 309 ang mga bagong nadagdag na pumanaw dahil sa COVID-19.

Agad namang nagpaliwanag ang DOH na sa 309 na mga nasawi ang 18 lamang sa mga ito ay nitong buwan ng Nobyembre.

Habang karamihan o nasa 61% na mga pumanaw ay nangyari noong buwan pa ng Oktubre dahil sa pagkaantala o backlog bunsod ng encoding sa mga impormasyon sa COVIDKaya.

Ang death toll dahil sa deadly virus sa bansa ay umaabot na sa 46,117.

Samantala ang mga bagong nadagdag na nahawa sa virus sa bansa ay nasa 1,190.

Nasa isang linggo na rin na mababa pa sa 2,000 ang mga naitatala na bagong kinapitan ng COVID-19.

Sa kabuuan ang mga COVID cases mula noong nakaraang taon ay umaabot na sa 2,820,494.

Mayroon namang naitalang maraming gumaling ngayon na umaabot sa 2,759.

Ang mga nakarekober sa naturang sakit ay kabuuang 2,750,531 na.

Sa kabilang dako naman mayroon lamang isang laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

“37 duplicates were removed from the total case count. Of these, 33 are recoveries. Moreover, 264 cases that were previously tagged as recoveries were reclassified as deaths after final validation,” bahagi pa ng advisory ng DOH. “All labs were operational on November 15, 2021 while 1 lab was not able to submit its data to the COVID-19 Document Repository System (CDRS). Based on data in the last 14 days, the 1 non-reporting lab contributes, on average, 0.1% of samples tested and 0.1% of positive individuals.”