Umaabot sa 11 milyong kustomer ng sikat na Pinoy fast food resaurant ang apektado matapos ang insidente ng data breach.
Ayon sa National Privacy Commission, inireport ng kompaniya sa kanila tungkol sa hindi awtorisadong pag-access sa kanilang data, kabilang ang personal na sensitibong impormasyon ng mga customer, noong Sabado ng 11:38 a.m.
Ang mga impormasyong nakompromiso ay ang sensitibong personal na impormasyon ng mga indibidwal, kabilang ang mga petsa ng kapanganakan at mga numero ng senior citizen ID.
Sinabi ng NPC na humiling na ang Jollibee Foods Corporation ng karagdagang 20 araw para makumpleto ang kanilang internal na imbestigasyon.
Noong nakaraang linggo, nakatanggap din ang NPC ng data breach notification report mula naman sa Maxicare.