-- Advertisements --

Gaganapin na sa Solo, Indonesia ang 11th ASEAN Para Games.

Kinumpirma ito ng ASEAN Para Sports Federation matapos maaprubahan ng kanilang Board of Governors.

Unang napili kasi ang Hanoi, Vietnam ang hosting ng nasabing torneo subalit sila ay umatras noong nakaraang taon dahil sa pangamba na COVID-19.

Huling ginanap sa Indonesia ang Para Games noong 2011.

Gaganapin ang Para Games mula Hulyo 23 hanggang 30.