-- Advertisements --

Hinirang bilang pinakabatang chess grandmaster ang 12-anyos na si Abhimanyu Mishra.

Nahigitan ng binatilyo mula sa New Jersey si Sergey Karjakin na may edad 12 years at seven months mula sa Budapest , Hungary.

May edad kasi si Mishra na 12 years four months at 25 days old.

Tinalo ni Mishra si grandmaster Leon Mendonca sa ikasiyam na round ng Vezerkpzo GM Mix tournament.

Bago tanghalin bilang grandmaster sa chess ang isang manlalaro ay dapat makamit nito ang tatlong award na ibinibigay ng high level of performance sa chess tournament.

Kasama dito ang 2500 Elo rating na galing sa Federation International des Echecs (FIDE).

Naging pinakabatang national master ito noong ito ay nasa edad siyam at noong 10-anyos niya ay naging pinakabatang international master.