-- Advertisements --

Nakahukay ang 12-anyos na binatilyo mula sa Canada ng buto ng pinaniniwalaang mula sa dinosaur.

Kasama ni Nathan Hrushkin na isang amateru palaeontologist ang ama nito sa fossil-rich part ng Alberta, Canada ng makita nito ang buto na natabunan ng bato noon pang Hulyo.

Nitong Huwebes ay tuluyan ng nahukay ang nasabing buto kung saan hindi makapaniwala si Hrushkin sa kaniyang nakita.

Mula pa noong ito ay anim na taon gulang ay interesado na ito sa mga dinosaur at madalas itong sumasama sa Nature Conservancy ng Albertan Badlands sa Canada kasama ang ama.

Matapos na madiskubre ay nakipag-ugnayan na sila sa mga otoridad para sa karagdagang pag-aaral ng nahukay na buto.

Sa inisyal na pag-aaral ay posibleng galing ito sa dinosaur na may edad ng mahigit 69 million taon.