-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Nadakip ng mga otoridad ang 12 anyos na bata na suspek sa serye nang panununog sa probinsya ng Cotabato.

Ayon kay Kabacan Cotabato Municipal Disaster Risk Reduction and Management Head, David Don Saure, may testigo umano na nakakita sa bata na may dalang plastic at lighter, bago ang insidente ng sunog.

Umaabot sa pitong mga establisiemento ang nasunog simula gabi hanggang madaling araw.

Kabilang sa mga nasunog ay ang Bahay Buko, abandonadong bahay na pag-aari ng Orpiano family na kapwa nasa Barangay Osias.

Ayon kay Saure nasunog rin ang Manolette Bakeshop, Pritong Manok, Corpuz Patilan, Cake’s by Lial at isang space for Rent na stall.

Sinabi Fire Inspector Albert Lagura ng BFP Kabacan, umaabot sa P2.233 milyun ang kabuuang danyos sa pitong magkakahiwalay na sunog.

Nanawagan naman si Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr sa taong bayan na mag-ingat at mapagbantay sa kanilang paligid at I-ulat agad sa pulisya ang mga taong iba ang kinikilos.

Maituturing na Arson ang insidente dahil sa intensiyon na pagsunog at Isinailalim na sa interogasiyon ang nahuling suspek.