-- Advertisements --
Isang 12-anyos na babaeng Belgian ang pinakabatang namatay sa Europe dahil sa coronavirus.
Ayon sa government spokesman na si Dr. Emmanuel Andre, bibihira sa mga kaso sa mundo na merong batang namamatay sa COVID-19.
Sinasabing ang mga bata ay kadalasan ay nakakaligtas sa deadly virus kung saan meron lamang 0.2 percent ang death rate sa pagitan ng 10-anyos hanggang 19-anyos.
Hanggang ngayon ay wala pang naiuulat na merong namatay na bata na may edad 10-anyos pababa.
Ito naman ang first death ng bata sa Belgium na meron ng recorded na 705 death toll.
Habang halos may 12,000 kaso na rin mula ng ito ay lumaganap sa naturang bansa.