-- Advertisements --

ROXAS CITY – Nasa punerarya na ang bangkay ng isang dalagita na umano’y namatay sa suntok ng kanyang kinakapatid sa Barangay Libas, Roxas City.

Kinilala ang biktima na si alyas Ella, 12-anyos ng naturang lugar.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay alyas Dimple, kalaro ng biktima, habang naliligo sila sa ilog kasama ang iba pa ay bigla na lamang napikon ang 10-anyos na si alyas Toto kaya naghamon ito ng suntukan.

Nabatid na pumatol din si Ella subalit bigla na lamang itong nahimatay matapos na sinuntok umano ng dalawang beses sa kanyang sikmura.

Dinala pa sa ospital ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival ng attending physician.

Labis naman ang paghihinagpis ng pamilya ni alyas Ella sa kanyang sinapit.