Naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na “vote of confidence” sa ekonomiya ng Pilipinas ang mahigit $12 billion na halaga ng investment na pinasok ng Philippines at Chinese companies sa sidelines ng Belt and Road Forum sa Beijing, China.
Sa kanyang talumpati kagabi sa business forum, sinabi ni Pangulong Duterte na China na ngayon ang pinakamalaking trading partner ng Pilipinas at nangungunang pinanggagalingan ng foreign investments.
Batay sa listahan ng Department of Trade and Industry (DTI), kabilang sa investment deals na pinagtibay ang proposed 250MW South Pulangi Hydroelectric Power Plant Project sa Damulog, Bukidnon na nagkakahalaga ng US$ 800 million at inaasahang lilikha ng 5,000 trabaho.
Ang Filipino conglomerate Tranzen Group ay pumasok naman sa framework agreement sa China Power Investment Holding para sa thermal, hydro at renewable power plants na tinatayang aabot sa US$ 1.5 – 2 billion.
Nilagdaan din ng Davao Occidental local government at Fengyuan Holdings ang isang Memorandum of Understanding (MOU) para sa US$ 1.5 billion petrochemical refinery processing plant complex na itatayo sa Tubalan Cove Business and Industrial Park habang ang Department of Energy, Shanghai Electric Group Co Ltd at Deluxe Family Co Ltd ay pinagtibay naman ang US$ 40 million MOU para sa promosyon ng indigenous and renewable energy resources.
Kabilang pa dito ang kasunduan sa China Harbour Engineering Company Ltd para sa konstruksyon ng LRT sa Manila, pabahay at kalsada sa North Luzon na nagkakahalaga ng US$ 4 billion habang ang CITIC Guoan Information Technology ay maglalagak naman ng US$ 500 million para sa pagtatayo ng nationwide Wi-Fi Internet connectivity sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Dalawang kompanya naman ng Pilipinas ang lumagda sa purchase framework agreements para sa pagsu-supply ng agricultural products sa mga Chinese companies. Ang Philpack Corporation ay magde-deliver ng US$ 40 million halaga ng pinya sa Goodfarmer Foods Holding Group habang ang Eng Seng Food Products ang magsu-supply ng US$ 36.5 million halaga ng green coconuts sa China Artex Corporation.
Samantala, ang Cagayan Economic Zone Authority (CEZA) ay lumagda naman sa anim na MOUs na kinabibilangan ng US$ 150 million yacht club, US$ 500 million green textile industry park, US$ 500 million expansion ng Cagayan North International Airport, US$ 100 million fintech hub and financial center, US$ 500 million smart city at US$ 150 million para sa resort and theme park and lithium battery manufacturing plant.
Ang Pampanga local government at Chinese firm Macrolink Group ay lumagda naman sa US$ 1.5 billion framework agreement para sa pagtatayo ng Yatai Industrial Park.
Ikatlong framework agreement naman ang nilagdaan sa pagitan ng GFTG Property Holdings at Sanya CEDF Sino-Philippine Investment Corporation para sa US$ 298 million project para sa development ng Grande and Chiquita Islands sa Subic Bay Matropolitan Authority. The project is set to open 500 habang ang Adnama Mining Resource, Inc., Fu Properties Inc, at Xiamen C&D Incorporation ay lumaghda rin sa MOU sa pagtatayo ng $50 million iron processing plant sa Agusan Del Norte.