BUTUAN CITY – Nagpapatuloy ang pagtaas sa kaso ng Covid-19 dito sa Caraga.
Sa inanunsiyo sa Department of Health o DOH Caraga sa pamamagitan ni Regional Director Jose R. Llacuna, Jr na natanggap nila ang 30 RT-PCR confirmatory results galing sa GeneXpert TB Reference Laboratory sa Butuan Medical Center kung saan 18 ang negatibo at 12 ang positibo sa COVID-19 virus.
Ang negatibo na RT-PCR results ay nanggaling sa High-risk Individuals na positibo sa Rapid Antibody-based Tests, health care workers at close contacts sa naunang confirmed cases. Habang sa 12 na positibong kaso, 83% o 10 ang close contacts sa naunang confirmed local transmission cases habang 17% o 2 ang nadagdag na local transmission cases na parehong mga health care workers.
Umabot naman sa 50 percent o 6 ang nasa edad 20 hanggang 40-anyos; 5-anyos ang pinakabata at 72-anyos ang pinakamatanda.
Pito sa mga ito ay mga babae at 5 ang lalaki.
Ang lahat ng bagong kumpirmadong kaso ay nanggaling sa Butuan City particular sa barangay Ambago na may 1;, Bonbon (1); Doongan (1); Holy Redeemer (3); Libertad (4); Limaha (1); at San Vicente (1).
Sa mga positibong kaso, 6 ang asymptomatic na nasa estriktong pagmonitor sa mga quarantine facilities habang ang anim na iba pa na may mild to moderate symptoms, admitted na sa mga hospitals.
Sa kasalukuyan, ang COVID-19 confirmed positive cases sa Caraga region ay umabot na sa total 481 kungsaan 337 ang nakarekober habang 140 ang aktibong kaso at 4 ang napatay.