Nasa 12 bagong kaso ng Covid-19 ang naitala ng Philippine National Police (PNP) sa loob lamang ng dalawang araw simula kahapon at ngayong araw.
Ito’y matapos ilang araw din na ‘zero case’ ang PNP.
Ayon kay PNP Deputy Chief for Administration (TDCA) at ASCOTF Commander Lt Gen. Joselito Vera Cruz, apat na bagong kaso ng Covid-19 ang naitala kahapon December 28 habang ngayong araw, December 29 ay nasa walong bagong kaso.
Ang mga ito ay mula sa National Operations Support Units (NOSU) at Police regional offices (PROs).
Sinabi ni Vera Cruz ang unang apat na naitala kahapon, isa sa Directorate for Operations (DO) at tatlo sa PDEG.
Habang ang walong bagong kaso na naiulat ngayong araw, apat sa National Operational Support Units (NOSU) at apat din sa mga regional police officers.
Sa National Operations Support Units (NOSU) isa sa Crime Lab, 1- SAF, 1-PCADG at 1 sa ACG, sa Regional Police offices naman tatlo sa National Capital Region Police Office (NCRPO) at isa sa PRO-3.
Sa ngayon nasa 22 ang active cases ng PNP at nananatili naman sa 125 ang nasawi.
Sa kabuuan nasa 42,257 ang Covid-19 cases ng PNP habang nasa 42,112 ang naka rekober sa sakit.
Sinabi ng Heneral na sa ngayon wala pa naman silang report na may mga personnel sila na nahawa ng Covid-19 Omicron variant.
“Wala pa naman Anne. Hindi naman kase na genome sequencing pa baka wala sa protocol ng molecular lab na i-subject to genome sequencing based on the results of their RTPCR test,” mensahe ni LtGen. Vera Cruz sa Bombo Radyo.