-- Advertisements --

ILOILO CITY – Isinailalim sa granular lockdown ang bahagi ng 12 barangays sa Iloilo City.

Ito’y matapos nagkahawaan ng COVID-19 ang mga residente.

Sa nasabing bilang, tatlo ang ini-lockdown sa distrito ng Mandurriao, tatlo sa Jaro, dalawa sa Arevalo, dalawa sa Iloilo City Proper, tig-iisa sa La Paz, at Lapuz.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Punong Barangay Rex Labordo ng Tagbak, Jaro, Iloilo City, sinabi nito na dalawang subdivision ang sa kanyang lugar ang ni-lockdown.

Magtatagal ang granular lockdown sa nasabing mga barangay hanggang Setyembre 8.