CENTRAL MINDANAO-Pagod na at nais mamuhay ng mapayapa ng labing dalawang terorista na sumuko sa militar sa lalawigan ng Maguindanao.
Ayon kay 601st Brigade Commander Colonel Oriel Pangcog na unang sumuko ang tatlong mga myembro na Dawlah Islamiyah Toraife Group ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa tropa ng 6th Infantry Battalion Philippine Army sa pamumuno ni Lieutenant Colonel Michael Manansala sa Datu Piang Maguindanao.
Sinundan ito ng pagsuko ng siyam na BIFF kay Lieutenant Colonel Samuel Nadala Jr ng 2nd Mechanized Battalion.
Dala ng mga rebelde sa kanilang pagsuko ang mga matataaas na uri ng mga armas,mga bala,magasin at mga pampasabog.
Pormal na tinanggap ni Col Pangcog ang 12 BIFF katuwang ang pulisya at mga lokal na opisyal sa probinsya.
Tumanggap rin ng inisyal na tulong ang mga rebelde mula sa LGU-Datu Piang at Provincial Govt.
Hinikayat ni 6th Infantry (Kampilan) Division Chief at Joint Task Force Central Commander Major General Roy Galido ang ibang BIFF na sumuko na at mamuhay ng mapayapa.