-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Nagbalik loob sa gobyerno ang labing apat na mga myembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa lalawigan ng Maguindanao.

Ang mga rebelde ay mga tauhan ni Kumander Bungos sa BIFF-Bungos faction.

Sumuko ang 14 na BIFF sa tropa ng 6th Infantry Battalion Philippine Army, Ist Mechanized Battalion, Maguindanao PNP, PRO-BAR at mga opisyal ng LGU sa Datu Salibo, Maguindanao.

Sinabi ni Ist Mechanized Brigade commander Colonel Pedro Balisi dala ng mga rebelde sa kanilang pagsuko ang sampung high powered firearms na kinabibilangan ng isang (1) cal .50 machine gun, isang 5.56mm M16 Ultimax rifle, apat na 7.62mm M14 rifles, one Mauser sniper rifle, tatlong 7.62mm sniper rifles, mga bala at magasin.

Sinabi ni Task Force Central commander at 6th Infantry (Kampilan) Division chief, Major General Juvymax Uy ngayon na ang panahon para matamasa ang napakagandang programa ng gobyerno

Dapat hindi sayangin ang opportunidad para makapagbagong buhay kasama ang mga pamilya ng mga rebelde.

Muling hinikayat ni MGen Uy ang ibang BIFF na sumuko na at mamuhay ng mapayapa.