-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Nais ng magbagong buhay at mamuhay ng mapayapa ng umaabot 12 miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) na sumuko sa militar sa lalawigan ng Maguindanao.

Ayon kay 601st Brigade Commander Colonel Jose Narciso na ilang buwan sila nagsagawa ng negosasyon sa lider ng mga rebelde bago ito sumuko.

Dala ng 12 BIFF na sumuko sa militar ang mga matataas na uri ng armas ,mga magazine at mga bala.

Sinabi naman ni Mayor Alfizzar Allandatu Angas Sr na sampu sa mga sumukong BIFF ay hindi residente ng Sultan Sabarongis Maguindanao ngunit sa magandang programa ng lokal na pamahalaan katuwang ang militar at pulisya ay nahikayat ang mga rebelde na magbalik loob sa gobyerno.

Tiniyak naman ni Colonel Narciso ang tulong ng gobyerno sa mga sumukong BIFF.

Nanawagan si Mayor Angas sa mga rebelde na naliligaw ng landas na sumuko na habang hindi pa huli ang lahat at nakahandang siyang suportahan ito at tulungan sa kanilang pagbabago.