MANILA – Kinumpirma ng lokal na pamahalaan ng Bontoc, Mountain Province na may 12 kaso na sila ng mas nakakahawang variant ng COVID-19 virus na SARS-CoV-2, na B.1.1.7 o “UK variant.”
BREAKING NEWS: COVID-19 UK Variant Detected Bontoc, Mountain Province 12 out of 35 specimens from COVID-19 positive…
Posted by Municipality of Bontoc on Friday, January 22, 2021
Sa isang online post, sinabi ni Mayor Franklin Odsey na kabilang ang 12 nag-positibo sa UK variant sa specimen ng 35 confirmed cases.
“12 out of 35 specimens from COVID-19 positive cases in this capital town have been confirmed to be of the UK variant.”
Wala pang kumpirmasyon ang Department of Health sa report ng alkalde, pero nanawagan na ang lokal na pamahalaan ng Bontoc sa mga residente na paigtingin ang pagsunod sa basic health protocols.
“Lockdown is still in effect.”
Sinisikap na raw ng Bontoc local government unit na mapigilan ang pagkalat ng bagong COVID-19 virus variant, lalo na’t sinasabi sa mga pag-aaral na mas nakakahawa ito kumpara sa ibang variant.
“We will update you as soon as possible as to intensified measures that the MIATF would be undertaking. Official statements and updates shall be released by DOH, PLGU and MLGU.”
“Let us cooperate and let us keep safe. Let us all be part of the solution. Together, we shall overcome.”