-- Advertisements --
KALIBO CITY – Nasa mabuting lagat na ang 17 turistang Chinese na sakay ng tumaob na bangka sa Bolabog beach, Boracay.
Batay sa ulat ng Malay Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, agad isinugod sa pinakamalapit na Ciriaco Tirol Memorial Hospital ang mga dayuhan matapos magramo ng minor injuries ang 12 sa mga ito.
Sa gitna ng island hopping activity ng mga Chinese ay bigla na lang daw tumaob ang sinasakyan nilang bangka na MBCA LMJ III.
Ito’y matapos umanong mabangga ng isa pang bangka na naglalayag sa naturang bahagi ng karagatan.