CENTRAL MINDANAO-Nagsampa ng kaso sa Ombudsman si Kidapawan City Vice- Mayor Jivyroe “Jivjiv” Bombeo kasama sina City Councilor Ruby Padilla-Sison, at SP Secretary Atty Christopher Cabelin laban sa 12 City Councilors.
Ang kaso ay may kaugnayan sa paglabag Republic Act 3019 o Graft and Corrupt Practices, Two (2) counts of Usurpation of Official Functions under Art.177 of the Revised Penal Code, Grave Misconduct, Gross Negligence , Grave Abuse of Authority at ang Conduct Prejudicial to the Best Interest of Service.
Ito ay nag-ugat sa ginanap na illegal session sa 12 City Councilors noong Agosto 26.
Ang mga sinampahan ng kaso ay sina City Councilor Peter Salac, Lamata Jr., Pagal, Taynan Jr, Cenn Taynan, Morgan, Igwas, Amador, Agamon, Dizon, Malaluan at Lonzaga.
Hindi rin natuloy ang sesyon sa SP dahil si Vice-Mayor Bombeo at City Councilor Sison lang ang dumating sa SP Hall.
Sinabi ni SP Secretary Atty Christopher Cabelin na ang pito (7) ang nag-apply ng leave of absence na inaprobahan ni Vice-Mayor Bombeo at ang iba ay absent.
Ang SP Kidapawan ay mayroong 14 na mga miyembro at sampu ang elective.
Sa ngayon ay hinihintay na lamang ang komento o sagot ng 12 Konsehal sa isinampang kaso laban sa kanila sa Ombudsman Mindanao.