-- Advertisements --
fishing boat occidental

Pinaghahanap pa rin ng mga otoridad ang nasa 12 crew members ng fishing boat mula sa Tawi-Tawi matapos na lumubog nang mabangga ng isang bulk carrier na pag-aari umano ng China sa Occidental Mindoro.

Sinabi ni Philippine Coast Guard District commander ng Southern Tagalog Commodore Loevegildo Panopio, naganap ang insidente nitong Linggo ng tanghali.

Pawang mga crew ng Irma Fishing and Trading Company na nakabase sa Navotas ang mga nawawalang crew.

Habang ang sinasabing nakabangga ay kinilalang MV Vienna isang bulk carrier na mula sa Hong Kong.

PCG SEARCH AND RESCUE MISSING OCCIDENTAL MINDORO 1

Sinasabing naganap ang insidente may 24 kilometers ang layo sa bayan ng Paluan.

Nagtutulungan na ang mga rescuers mula sa bayan ng Paluan, Mamburao at Lubang para sa pagligtas sa mga nawawalang tripulante.

Paluan OM

Samantala, hawak na rin ng Philippine Coast Guard ang nasabing foreign vessel.

Pansamantalang itinigil din nila ang paghahanap dahil sa naranasang matinding water current at kanilang itutuloy ang nasabing search and rescue ngayong Lunes ng umaga.