DAVAO CITY – Agad na ipapatupad simula sa Lunes, Setyembre 13, 2021 ang alternative work arrangement sa munisipalidad ng Sto. Tomas, Davao del Norte para agad na bumaba ang kaso sa mga empleyado na nagpositibo ng COVID-19.
Nabatid na nasa 12 mga empleyado ng lokal na pamahalaan ng lalawigan ang nahawa ng virus dahilan kaya ipinatupad nila ngayon ang mas mahigpit na isolation at contact tracing.
Nitong Sabado magsasagawa naman ng decontamination at sanitation sa lahat ng mga opisina sa nasabing gusali bago ito muling bubuksan sa publiko.
Una nito, agad na nagpalabas ng Memorandum Circular si Mayor Ernesto Evangelista, para magpatupad ng skeleton workforce upang matiyak na magpapatuloy pa rin ang trabaho lalo na ang pag-aasikaso sa mga dokumento na kailangang isumite sa Human Resource and Management Office (HRMO).
Nabatid na dalawang barangay din sa nasabing lalawigan ang una ng nagpatupad ng granular lockdowns para lamang maiwasan ang pagkalat ng infection sa komunidad.