-- Advertisements --

Nakapagproseso ang Bureau of Immigration (BI) ng 167,538 na mga pasahero nitong Oktubre 31 at Nobyembre 1, Araw ng mga Santo.

Nagkaroon ng pagtaas na 12% sa international travellers mula sa 149, 257 na mga pasahero na naitala sa parehong panahon noong nakaraang taon. 

Samantala, nakapagtala ang ahensya nitong Oktubre 31 ng 41,078 arrivals at 43,341 departures sa buong bansa.

Noong Nobyembre 1, sinabi ng BI na mayroong 42,858 arrivals at 40,261 departures.

Nakapagtala ang NAIA Terminal 1 ng 14,931 arrivals at 13,381 departures, habang ang Terminal 3 ay nakapagtala ng 19,136 arrivals at 19,431 departures.

Dahil dito, nag-augment na rin ang ahensya ng mga tauhan sa mga paliparan at isinulong ang paggamit ng mga electronic gates sa arrival areas upang mabawasan ang mahabang pila ng mga biyahero ngayong peak season.