-- Advertisements --

Patay ang 12 inmates matapos ang nangyaring prison break sa Saint-Marc City sa bansang Haiti.

Sinabi ni Mayor Myriam Fievre, ito na ang pangatlong beses ngayong buwan kung saan ang insidente ay dahil sa gang war.

Mabilis naman na nakontrol ng mga otoridad ang kaguluhan sa nasabing kulungan na mayroong halos 600 na mga inmates.

Nagsasagawa na ng masusing imbestigasyon ang mga otoridad sa nangyaring prison break.