BUTUAN CITY – Umabot sa 12,000 mga Caraganons ang nakatanggap ng ayuda mula sa ditrusyon ng Presidential Assistance to Farmers, Fisherfolk and their Families (PAFF) na pinangunahan mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Surigao del Sur at Agusan del Norte.
Kasama na dito ang mga magsasaka, mga mangingisda at mga piling pamilya ng Caraga Region na na-apektuhan ng El Niño phenomenon.
Kasama ang iilan sa kanyang mga cabinet secretaries, unang pinuntahan ng pangulo ang Surigao del Sur Sports Complex, sa Tandag City, Surigao del Sur bago nagsadya sa Butuan City sa Agusan del Norte kungsaan namigay siya ng tig-sasampung libong pisong ayuda mula sa Ayuda para sa Kapus ang Kita Program o AKAP ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Iba naman ang 10-libong pisong mula sa kanyang tanggapan para sa mga magsasaka, mangingisda at iilang mga piling pamilyang apektado ng matinding tag-init.
Ayon sa pangulo, kanyang naramdaman ang matinding paghihirap ng mga Caraganons nang tumama ang El Niño phenomenon kung kaya’t siya mismo ang personal na nagbigay sa mga ayuda upang personal ring mapakinggan ang concerns ng mga Caraganons.