-- Advertisements --
Nasa 12,000 pulis ang ipinakalat na sa mga sementeryo para sa paggunita ng All Souls at All Saints Day.
Ayon kay JTF COVID Shield Commander LtGen. Guillermo Eleazar, mahigpit na pakatututukan ng PNP ang pagpapatupad ng minimum health protocols sa mga Sementeryo sa buong bansa.
Sinabi ni Eleazar na bukod sa mga pulis aabot din sa 17,000 force multipliers din ang makakatuwang para matiyak na hindi magsisiksikan ang mga tao sa mga sementeryo.
Batay kasi sa inilabas na panuntunan ng IATF, 30 porsyento lamang ng kabuuang kapasidad ng mga sementeryo at mga kolumbaryo ang papayagan sa loob para bisitahin ang kanilang mga yumaong mahal sa buhay.
Sa darating na October 29 hanggang November 4 isasara na ang mga mga sementeryo sa publiko.