Arestado ang 12 katao kabilang na ang pulis at immigration officer sa Indonesia dahil sa human trafficking sa 122 ka tao papuntang Cambodia para ipagbili ang kidneys.
Ayon kay Bombo Ginavella Limpin Cumla, international correspondent sa Indonesia, sinampahan ng kaso ang mga suspek dahil sa paglabag sa human trafficking law ng bansa.
Nahaharap rin sila sa maximum 15 years sa kulungan P2.1-million kung convicted.
Ayon sa criminal investigation unit sa Jakarta Police, inakusahan ang mga suspek na nag-recruit ng mga tao mula sa Indonesia at ipapadal sila sa Cambodia para sa
kidney transplant surgery.
Pinapangukan umano ang mga biktima ng tinatayang P500,000 bawat isa.
Lumalabas rin sa imbestigasyon na hindi pinilit ang mga biktima.
Pumayag umano sila dahil walang pera mula nang mawalan ng trabaho noong Covid-19 pandemic.