-- Advertisements --

Pangungunahan ni Manila Archbishop Cardinal Luis Antonio Tagle ang washing of the feet ng sa ilang kabataan bukas sa Maunday Thursday mass ng Manila Cathedral bilang bahagi ng paggunita sa Semana Santa.

Kabilang sa mga kabataan na kasali sa seremonya ang isang may kapansan, ilang foreign missionaries at isang delegado sa Vatican Youth Synod noong 2018.

May kasali ring poll watcher, isang first time voter alinsunod na rin sa papalapit na halalan.

Narito ang listahan ng mga mapalad na kabataang parte ng seremonya:

-Nicole Anne Perez, 23, call center agent
-Rafael Villegas, 22, college student
-Luna Mirafuentes, 18, first time voter
-Carlito Sapunto, church volunteer na may cerebral palsy
-Jeffrey Ranola, 25, youth ministry worker
-Sr. Antonisa MC, 26, madre ng Missionaries of Charity
-Joel Obreo, 23, foreign missionary mula India
-John Rey Nevado, 20, scholar
-Jenezis Caliwag, 25, staff ng Quiapo Church
-Ferdinand John at Daiy Jan Azogue, 31, mag-asawa
-Jinky Pelopero, 21, college student

Kung maaalala, walong taon ng pinangungunahan ng cardinal ang paglilinis sa paa ng ilang piniling indibidwal.

Ito’y bilang paggunita sa kababang loob ng Panginoong Hesukristo sa kanyang mga disipulo.

Ayon sa Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP), nakasunod sa tema ng Year of thr Youth ang pagkakapili sa mga kabataang napili sa sermonya.

“On Friday, Tagle will preside over the Mass to commemorate the Lord’s Passion at the cathedral. He will also celebrate the Easter Vigil at the cathedral on Saturday night,” ayon sa CBCP.