-- Advertisements --

NAGA CITY – Ligtas na ang 12 pasahero ng isang bangka sa Camarines Sur na na-stranded sa gitna ng karagatang sakop ng bayan ng Caramoan nitong Lunes.

Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni Ensign Bernard Pagador Jr., station commander ng Philippine Coast Guard (PCG)-Camarines Sur, na engine failure ang sanhi ng pagtigil ng motorbanca kaya ito biglang huminto sa gitna ng biyahe.

Batay sa ulat, isang napadaang bangka sa lugar ang humingi ng saklolo mula sa mga otoridad matapos mabatid ang sitwasyon ng mga pasahero.

Dahil sa masamang panahon, kanselado pa rin daw ngayon ang mga biyahe ng mga sasakyang pandagat sa Pasacao Port.

Nasa 40 pasahero naman ang stranded sa nasabing pantalan na pawang mga papuntang Masbate.