-- Advertisements --
Nasawi ang 12 katao matapos ang pamamaril sa Podgorica, Montenegro.
Ayon sa kapulisan, na ang 45-anyos na suspek na si Aleksandar Aco Martinovic ay unang nakapatay ng apat na katao ng pagbabarilin ang mga ito sa isang restaurant matapos ang isang kaguluhan sa Cetinje.
Matapos ang insidente ay binaril din nito ang walong katao kabilang ang dalawang bata sa tatlo pang lugar.
Ang mga biktima ay pawang may malapit na ugnayan sa suspek kung saan ang iba ay kaniyang mga kaibigan.
Ito ang pangalawang mass shooting ng halos ng tatlong taon kung saan noong Agosto 2022 ay 10 katao ang nasawi sa pamamaril din sa Podgorica.