-- Advertisements --

Patay ang 12 katao at 50 ang naospital matapos na gumamit ng cocaine na naglalaman ng nakakalason na substance sa Buenos Aires, Argentina.

Ikinulong naman ng mga otoridad ang ilang katao na nagbenta ng nasabing droga.

Iniimbestigahan din ng mga otoridad ang napaulat na hinaluan ng ibang substance ng mga suspek ang droga para mas marami silang maibebenta.

Ipinasailalim na rin nila ang mga nakuhang droga sa laboratory test para malaman kung ano ang laman ng nasabing droga.