-- Advertisements --
Umabot na sa 12 katao ang namatay sa Silangang bahagi ng bansang India matapos mag landfall ang bagyong Fani na may dalang hangin na may lakas na 200 kph.
Ayon sa Indian Meteorological Department, humina umano ang bagyo matapos nitong tumama sa lupa.
Inaalam pa ng mga otoridad ang halaga ng pinsalang iniwan ng bagyo habang patungo ito ng Bangladesh kung saan milyon-milyong tao na ang unang inilikas upang masiguro ang kanilang kaligtasan.
Kinumpirma naman ni Odisha’ Special Relief Commissioner Bishnupada Sethi na tinatayang nasa 116 katao naman ang nasagutan dahil sa bagyo.