-- Advertisements --

Patuloy pang nadadagdagan ang bilang ng mga indibidwal na naitatalang sugatan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council mula sa naganap na pagyanig ng magnitude 7.4 na lindol sa Surigao del Sur.

Batay sa pinakahuling datos na inilabas ng kagawaran, umakyat na sa 12 ang kasalukuyang bilang ng mga indibiwal na nasaktan nang dahil sa nasabing kalamidad.

Habang nananatili pa rin sa isa ang bilang ng naitalang nasawi nang ahensya nang dahil pagtaas at paglakas ng alon sa ilang katubigang sakop ng Mindanao at ilang isla ng Japan na dulot pa rin ng malakas na lindol.

Samantala, bukod dito ay iniulat din ng NDRRMC na umabot na sa 455 na mga pamilya o 1,874 na mga indibidwal ang apektado ng nasabing lindol.

Habang nasa 173 kabahayan, at 62 imprastraktura naman kabilang na ang mga government facilities at paaralan ang napinsila.