-- Advertisements --
KALIBO, Aklan – Dahil sa inaasahang pagbuhos ng mga beachgoer sa Boracay ngayong summer season, sinimulan na ang pagpapatayo ng dagdag na 12 lifeguard stations sa isla.
Ayon kay Natividad Bernandino, general manager ng Boracay Inter-Agency Rehabilitation Management Group (BIARMG) noong linggo ay nagsagawa na ng groundbreaking ceremony para sa limang lifeguard stations sa frontbeach ng Station 1.
Ipinaliwanag pa ni Bernandino na hindi lumabag sa 25+5 meter easement ang mga lifeguard stations kaya’t inaprubahan nila ito.
Ang lifeguard stations na gawa sa mixed materials ay balak ilagay sa Bolabog at Diniwid Area.
Ayon kay Bernandino, malaking tulong ito para sa seguridad ng mga turista.