Sa bungad pa lang ng kaniyang State of the Union Address, ipinagmalaki ni US President Joe Biden ang 12 million bagong trabaho na nalikha ng kaniyang administration.
Aniya ang nasabing bilang ng mga trabaho ay naggawa lamang niya ng dalawang taon na kung saan naggagawa ito ng apat na taon ng isang Pangulo.
Ipinagmalaki rin nito ang naidagdag na 800,000 manufacturing jobs; bumaba ang presyo ng gasolina; bumaba ang annual inflation sa loob ng anim na buwan at nakapagtala ang kaniyang administrasyon ng pagbaba ng unemployment sa loob ng 50 taon.
Aniya, ang Biden-Harris Administration ay nagtatrabaho upang maipatupad ang mga bagong pamantayan sa proyektong pang-imprastraktura at suportahan ang mga trabaho sa Amerika.
Nang dahil umano sa Biden-Harris administration investments, magsisimula sa Estados Unidos ang supply chains.
Aniya, sa pamamagitan ng Inflation Reduction Act, nanalo ang mga Amerikano at nawala ang mga special interest.
Napag-alaman na sa pamamagitan ng Inflation Reduction Act, napababa ang gastos o expenses nang kada pamilya sa Amerika.
Samantala, inihayag naman ng Pangulo ng Amerika na nananatiling “unbroken” ang demokrasya sa kabila ng mga paghihirap at hamon sa nakalipas na dalawang taon.
Dalawang taon na ang nakalilipas, hinarap nito ang pinakamalaking banta sa civil war, at ngayon, bagama’t nabugbog, ang kanilang demokrasya ay nananatiling unbowed at hindi nasisira.
Ito ay tumutukoy sa mga kaganapan sa Jan. 6 insurrection sa US Capitol.
Nagsalita din ang pangulo tungkol sa mga hamon na dumating sa pandemya ng Covid-19 – ang mga paaralan at negosyo ay isinara, na nagpapahina sa ekonomiya.
Sinabi niya na kaya pa rin ng US na malampasan kung saan ipinagmamalaki ang paglikha ng trabaho ng kanyang administrasyon.
Umapela naman si Biden sa mga Republicans na magkaisa dahil wala silang mararating kung palaging makatunggali at maglaban laban.