-- Advertisements --

Nakausap na ng 12-member delegation mula sa European Union si Senator Leila De Lima sa loob ng kaniyang piitan sa PNP Custodial Center sa Kampo Crame.

Pasado alas-3:00 ng hapon dumating ang grupo para bisitahin ang senadora.

Sa panayam kay Ms Soraya Post kabilang sa 12-member team kaniyang sinabi na okay naman si Sen De Lima at matatag na tao.

Sinabi ni Post na kanilang pinag usapan ang sitwasyon ng senadora subalit wala umano silang marinig na complain o reklamo mula sa senadora.

Wala rin itong hinaing sa mga pulis na nagbabantay sa kaniya sa loob ng piitan bagkus inaalagaan siyang mabuti ng mga ito.

Banggit ni Post na ang nais ngayon ng Senadora makapiling ang kaniyang pamilya at makabalik sa kaniyang trabaho sa senado.

Ipinaliwanag naman ni Post na layon ng kanilang pagbisita sa nakakulong na senadora ay para ipakita ang kanilang concern.

Bilang Parliamentarians sa Europe, concern sila sa kaso ni De Lima bagkus may resolution sila ukol dito kung saan kanilang kinondena ang ginawang illegal arrest sa senadora.

Concern din ang EU sa isyu ng human rights sa bansa.

Nagpasalamat naman ang senadora sa pagbisita sa kaniya ng 12-member degelation mula sa EU.

Aniya, indikasyon din ito na nakatutok din ang buong mundo sa kga kaganapan sa bansa.