-- Advertisements --

Nasa humigit-kumulang 12 bagong mettalic mines ang dapat nang magsimula ng kanilang commercial operation ngayong taon.

Sa ulat ng Mines and Geosciences Bureau (MGB), nasa kabuuang 386,359 tonnes ang nickel output sa Pilipinas noong nakaraang taon, 17% na mas mataas kumpara sa naging produksyon bago ang taong iyon at ang pinakamataas na nailata sa loob ng anim na taon.

Ang Pilipina ang naging pinakamalaking supplier ng nickel ore ng China matapos na ipagbawal ng Indonesia ang pa-export ng materyales dito mula 2020, upang subukang bumuo ng full supply chain na kinabibilangan ng pagproseso ng metal na ginagamit sa stainless steel at mga baterya para sa mga de-kuryenteng sasakyan.

Sinabi ni MGB Director Wilfredo Moncano na ang medium-term outlook naman para sa industriya ng pagmimina ay malabo maliban na lamang kung ang digmaang nangyayari ngayon sa Ukraine ay bumagsak sa Asya at madulot ng pagkagambala sa kasalukuyang kalakalan.

Umaasa naman ito na susuportahan ng susunod na administrasyon ang mga patakaran na itinakda ni Pangulong Rodrigo Duterte kabilang na ang pagwawakas sa apat na taong pagbabawal sa open-pit mining para sa tanso, ginto, pilak at mga complex ore.

Ayon naman kay Dante Bravo, presidente ng Global Ferronickel Holdings Inc., ang ikalawa sa pinakamalaking nickel ore miner sa bansa, ang pagpasok ng mga bagong producer ay magpapataas ng domestic ore.

Sa kabila kasi aniya ng mataas na presyo ng mga metal ay nananatili pa rin hamon para sa isang local industry na nabibigatan ngayon sa pagtaas ng presyo ng gasolina, mas mataas na inflation, kakulangan sa manpower, pagkagambala sa supply chain, at pagtaas ng mga singil sa mga kargamento.