Patay ang 12 migrants matapos na hindi nakayanan ang lamig ng panahon sa border ng Turkey at Greece.
Dahil dito ay inakusahan ng Turkey ang Greece na sila ang may kasalanan sa pagkamatay ng mga migrant matapos na hinayaan nila silang itaboy at hindi papasukin sa kanilang bansa.
Mariing pinabulaanan ng Greece ang akusasyon na ito ng Turkey.
Ang dalawang Mediterranean countries ay kapwa nag-aakusahan sa kinahinatnan ng mga migrants na tumatawid sa kanilang border.
Sinabi pa ni Turkish Interior Minister Suleyman Soylu na pinag-huhubad ng mga border guards ng Greece ang mga migrrants pagdating nila sa lugar kahit na sobrang lamig ang panahon.
Makailang beses na ring inakusahan ang Greece sa pagtataboy sa mga migrants na isa umanong ipinagbabawal sa ilalim ng international human rights law.