Nasa 12 migrants ang nasawi matapos ang paglubog ng sinasakyan nilang bangka sa karagatang bahagi ng Cap Gris-Nez sa northern France.
Ayon kay Boulogne-sur-Mer mayor, Frédéric Cuvillier, mayroong halos 70 katao ang sakay ng nasabing bangka.
Nailigtas ng mga otoridad ang 65 katao kung saan ang iba ay nasa kritikal na kondisyon.
Gumamit na ang mga otoridad ng tatlong helicopters, dalawang barko at dalawang bangka para sa search and rescue operations.
Mula pa noong nakaraang taon ay tumaas ang bilang ng mga bangka ang nagtatangkang tumawid sa English Channel kahit na ito ay lubhang delikado.
Hindi lamang ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ng nasabing aksidente dahil noong Agosto ay mayroong anim katao ang nasawi ng tumaob ang sinakyan nilang bangka.