Iniulat ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) na nasa 12 indibidwal ang naiulat na nawawala dulot ng bagyong Quinta.
Ayon kay NDRRMC Spokesperson Mark Timbal ang 12 indibidwal na nawawala ngayon ay sa Catanduanes.
Sinabi ni Timbal ang mga missing ay mga mangingisda na pumalaot at naabutan ng bagyo.
Nagsasagawa na ng search and rescue operations ang mga otoridad sa lugar para i-locate ang mga nawawala.
Sa ngayon, nakakaranas anya ng kawalan ng suplay ng koryente sa Catanduanes kasama na rin ang mga lalawigan ng Quezon, Albay, Cam Sur, Masbate at Sorsogon.
Nakapagtala rin ang NDRRMC ng 9,235 na katao na naapektuhan ng bagyo sa Calabarzon, Mimaropa, Region 5 at CAR.
Nasa 5,704 naman sa mga apektado ang inilikas sa mga evacuation centers.
Habang 3,504 naman ang pawang nakituloy sa kanilang mga kaanak.