-- Advertisements --
Pinakawalan na ng mga armadong grupo sa Haiti ang natitirang 12 katao na kanilang dinukot matapos ang mahigit dalawang buwan.
Ayon sa justice minister ng Haiti na nakita ng ilang mga residente ng Morne Cabrit ang mga dinukot katao inabandona sa kanilang lugar.
Agad nila itong ipinagpaalam sa mga otoridad.
Kabilang ang mga ito sa naunang 17 missionaries ng Christian Aid Ministries na binubuo ng 16 na Americans at isang Canadian.
Unang pinakawalan ang dalawang kasamahan nila noong Nobyembre 21 at matapos ang dalawang linggo ay tatlong hostages pa ang kanilang pinakawalan.
Itinuturong suspek ay ang grupong 400 Mawozo na unang humiling ng $1 milyon kada hostage bilang ransom.