-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Nagpakalat ang Department of Health (DOH)-Kalinga ng 112 na human resources for health para magbigay ng serbisyo sa iba’t-ibang barangay ng Kalinga.

Ayon sa DOH-Kalinga, kabilang sa mga naideploy ang 88 na nurse, 26 na midwife, dalawang pharmacists, tatlong medical technologists at tig-isang nutritionist, dentist at physical therapist.

Magbibigay ng serbisyo ang mga nasabing health workers mula Hunyo hanggang Disiyembre ng kasalukuyang taon.

Magsasagawa sila ng vaccination, oral health services at iba pang serbisyo sa mga residente ng lalawigan.