-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Fulte Electrical Wirings ang natatanaw ng mga otoridad na dahilan sa nangyaring sunog sa Kidapawan City.

Ayon sa ulat ng City Fire Bureau na nakatanggap sila nang tawag sa nangyaring sunog sa Purok Chiko Mariano Cuenco Street Barangay Poblacion Kidapawan City o mas kilala sa tawag na kalye putol.

Agad na nagresponde ang mga pamatay sunog ngunit natupok na ng apoy ang 12 na bahay na gawa sa light materials o kahoy.

Nag-umpisa umano ang apoy sa tahanan na pag-mamay-ari ng pamilya Abelgas.

Pumutok umano ang plangka ng kuryente hanggang sa kumalat ang apoy sa kurtina at nadamay ang motorsiklong nakaparada.

Tinupok rin ng apoy ang ibang bahay at hindi na naagapan ng Bureau of Fire Protection (BFP).

Kabilang sa mga nasunog ang tatlong motorisklo, isang inahing baboy, anim na mga biik at isang alagang aso.

Isang 4 anyos rin na bata ang napaulat na na-trap sa sunog ngunit nakatalon sa ilog.

Ang 104 ka tao na naapektuhan ng sunog ay pansamatalang nakatira ngayon sa Basketball court ng Brgy Magsaysay ng lungsod habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng BFP.