LAOAG CITY – Nanatili pa rin sa evacuation center sa Barangay Lanao sa bayan ng Bangui ang mga ilang residente na inilikas dahil pa rin sa epekto ng Bagyo Betty.
Ayon kay Barangay Chairman Freddie Balbag sa nasabing barangay, aabot sa 12 na pamilya o 32 na indibiduwal ang kanilang inilikas kung saan karamihan sa mhga ito ay mga bata.
Sinabi nito na inilikas nila ang mga ito dahil nasa mababa silang lugar at malapit lamang sa ilog kanilang mga bahay kung saan ito ang lagging inaabot ng tubig kapag may baha.
Siniguro naman nito na nasa mabuting sitwasyon ang mga inilikas lalo na ang mga bata dahil kumpleto naman ang kanilang kailangan tulad ng pagkain, tubig at iba pa.
Dagdag nito na depende sa panahon kung papayagan na nilang umuwi ang mga inilikas na residente.
Samantala, sinabi ni Balbag na ang mga alagang hayop naman ng mga residente ay inilagay rin sa mataas na lugar.
Maalala na noong hapon ng Sabado ay inilikas ng mga otoridad ang mga residente dahil sa bagyo.
Katulong naman n mga barangay officials na nagbabantay sa mga inilikas ang mga kasapi ng Philippine National Police.